31 December, 2009

Funny Jokes Quotes



XXX ~~~~~~~~~~~~~ XXX

Babae at lalaki, nagkasalubong, matagal nagkatitigan. Babae: Bakit mo ako tinititigan? Ano ang iniisip mo sa akin? Lalake: Katulad din ng iniisip mo sa akin. Babae: Bastos!

xxx ~~~~~~~~~~~~~ xxx

Dear anak, Naipadala ko na yung 50 thousand pang tuition mo, ipinagbili na namin yung kalabaw natin. Ang mahal pala ng Counter Strike na kurso! Wala na rin pala tayong mga baboy, naipagbili na rin namin para dun sa sinasabi mong project, Nokia N75 ba yun? Ang mahal naman ng project mo! Kasama din dun ang 7 thousand para sa field trip nyo sa Mall Of Asia. Malayo ba yun, bakit ang mahal? Isasangla pa namin ang palayan para mabili mo yung instrumentong iPod. Napailaw nyo na ba yung pinagpupuyatan nyong San Mig Lights? Sana, grumaduate ka na. Love, nanay.


XXX ~~~~~~~~~~~~~ XXX



Anak: Itay, paano po lumilipad ang eroplano? Itay: Ewan ko anak! Anak: Paano po ang barko nakakalutang sa tubig? Itay: Hindi ko rin alam anak! Anak: E bakit ang sasakyan, gumugulong sa lupa? Itay: Lalong hindi ko alam anak! Anak: Pasensya na itay ha, ang dami kong tanong. Itay: Talagang ganun anak, paano ka naman matututo kung hindi ka magtatanong?!

xxx ~~~~~~~~~~~~~ xxx

Hindi lahat ng dinosaur, kumakain ng hayop. Yung iba, gusto lang ng hug. - Barney.

XXX ~~~~~~~~~~~~~ XXX

In America, anyone who steal money will surely go to jail. In the Philippines, one who steals millions will surely go to America! Go Pinoy!

xxx ~~~~~~~~~~~~~ xxx

Payabangan. Erni: Ang galing ng aso ko! Tuwing umaga, dala nya'ng dyaryo sa akin. Bert: Alam ko. Erni: Ha? Paano mo nalaman? Bert: Ikinikwento sa akin ng aso ko.

XXX ~~~~~~~~~~~~~ XXX

Misis: Pinuyat mo ako kagabi! Mister: Bakit? Misis: Nagsasalita ka sa pagtulog. Puro pangalan ng babae. Lani, Joy, Beth, Samantha, Michelle, Hannah, Charisse, Rosemarie, Vivian... Mister: Paano ka naman napuyat? Misis: Kakahintay sa pangalan ko!





Related Posts by categories



No comments:

Post a Comment